4 Translated Reagan R Maiquez Poems

By and | 1 February 2017

Fade to White

Wake up, my love.

If we’re lucky, I’d like invite you to a morning right when the Sun’s just exploded in the East.

Because it’s now a supernova, the deadly warmth of ultraviolet or infrared rays of the Sun won’t get to fondle our skin. We’d have coffee in the early hours of the Apocalypse amid the traces of the inferno caused by the fallen stars.

Whatever will we talk about? Whatever will we dip into our coffees? I hope there’s still some dew left that morning, some remaining chill, like in December when we hear Mass at dawn or in February when we wrap ourselves with blankets. They may no longer be any noise while we sip our coffees, since whatever else is left will then be destroyed in peace by the glorious combustion of the Sun. It is then that I can finally say that you’re the first and the last person I’ve ever loved even if you never knew it.

I hope you hear these words ablaze. They’re a bit hot and they’re bright, fading to white.


Makinang na Makinang

Mahal,

Gumising ka na

dahil kung papalarin, aayain sana kita sa umagang kasasabog pa lamang ng araw sa silangan.

Bilang isa nang supernova hindi na ultraviolet o infrared ang sa ating mga balat ay hahaplos ng silab at nakamamatay na halik kundi ang ating mga bakas at impyernong dulot ng nagibang bituwin ang magkakape sa madaling araw ng gunaw.

Ano kaya ang ating pag-uusapan? Ano kaya ang aking isasawsaw sa kape? Sana’y may hamog sa umagang iyon at may ginaw pang natitira, parang Disyembre at may mga nagsisimbang-gabi o kaya Pebrero at yakap-yakap ng kumot ang mga katawan. Wala na sigurong kaingay-ingay, payapang nagaganap ang lahat ng pagkatupok, ng engrandeng pagliliyab ng araw sa himpapawid, sa silangan, habang tayo’y nagkakape at sa wakas, sa pagkakataong iyon masasabi ko sa iyo ng ikaw ang una’t huli kong inibig kahit hindi mo na ito maririnig.

Sana’y marinig mo itong mga salitang nagliliyab, mainit-init na nagdadaib, makinang na makinang.

 


This entry was posted in TRANSLATIONS and tagged , . Bookmark the permalink.

Related work: