POME/struck | Tulala

By and | 31 October 2020

Umiiyak ang panulat
Pagtangis ng kamangmangan
Humihiyaw ang bawat kataga
Sumusugat, humihiwa

Gumagapos sa bawat taludturan
Sa nakakulong na kalungkutan
Talinhagang di mabatid
Ng mga bersong pinid

Tumagas sa mga tayutay nito ang tinta
Sa bawat sonetong naiobra
At ang mapanlinlang na pag-ibig ng bawat prosa
Ay nilukob ng kapangyarihan ng metapora….

This entry was posted in 99: SINGAPORE and tagged , . Bookmark the permalink.

Related work:

  • No Related Posts Found

Comments are closed.